Luke 20:45-47

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan

(Mat. 23:1-36; Mar. 12:38-40)

45Habang nakikinig kay Jesus ang mga tao, sinabi niya sa mga tagasunod niya, 46“Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit.
espesyal na damit: sa literal, mahabang damit.
At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa matataong lugar. Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
47Dinadaya nila ang mga biyuda para makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal. Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”

Copyright information for TglASD